Sabado, Hulyo 30, 2011

Pampilipit Dila (Tagalog Tongue Twister)


1.      Kakakanan lang sa kangkungan sa may kakahuyan si Ken Ken habang kumakain ng kakaibang kakanin kahapon.
2.      Ang relo ni Leroy Rolex
3.      Minekaniko ni Moniko ang makina ng manika ni Monika.
4.      alakang Kabkab, kumakalabukab, kaka-kalabukab pa lamang, kumakalabukab na naman.
5.      Usong usong isang isang salu-salong nagsisi-usyosohan ang mga aso sa asosasyon sa Ascuzena
6.      Pitumput pitong puting tupa
7.      Palakang kab-kab na kumakalabukab ayokong pakalabukabin ngunit kumakalabukab pa rin
8.      Botika, butiki, bituka
9.      Buwan ng Kabilugan kabilugan ng buwan
10.  Pinaputi ni Tepiterio ang pitong puting putong patong patong.
11.  Betong Tutong alyas "ketong" ang hari ng mga bulutong.
12.  Sumuso ang sanggol na si Susie sa suso ni Susan na sumuso sa suso.
13.  Mayamaya'y mamamanhikan si Aman sa mayamang si Maya malamang sa harap ng maraming mamamayan.
14.  Ngipin ang nangangailangen ng ngubngob
15.  Pugong bukid, pugong gubat
16.  pitumput-pitong puting pating
17.  Sinusi ni Susan ang sisidlan ng sisiw.
18.  Bababa ka Ba? Bababa din ako!
19.  Kapapansiteria mo pa lang, magpapansiteria ka na naman.
20.  Bumili ako ng bituka ng butiki sa butika.
21.  Ako ay biik, ikaw ay baboy!
22.  Aklat Pangkatagalugan
23.  Makati sa Makati, may pari sa Aparri, mahihilo sa Iloilo at may bagio sa Baguio.
24.  Pitongpu't pitong butong puting patani
25.  Ang bra ni Barbara ay nabara
26.  Aba, bababa kaba Baba?
27.  Kalabit ng kalabit si Alabit na may bitbit sa balikat ng kanyang kalapit-kabalikat kapitbahay.
28.  Pasko, Paksiw, Pasko, Paksiw, Pasko, Paksiw, ...
29.  Ang relo ni Leroy ay nagka luray-luray.
30.  Notebook at aklat, notebook at aklat, notebook at aklat, ...
31.  Tumalon si Tonton sa malalim na balon sa ilalim ng talon sa taniman ng talong
32.  Bababa ba? Bababa.
33.  Nakakapagpabagabag
34.  Pitumpu't pitong puting putong ipinirito ng puting patong papito-pito

Buod: El Filibusterismo


Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

Anak Ng Pasig (Lyrics)

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig
Nagisnan ang ilog na itim ang tubig
Lumaking paligid ng bundok na umuusok
Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay ng anak ng Pasig
Pa-swimming swimming sa itim na tubig
Playground lang ang bundok ng basura mo
Musika'y ugong ng kotse at bangka niyo

Chorus 1:
Anak ng Pasig naman kayo
Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang ilog ko

Akala ko'y ganoon talaga ang mundo
Hanggang nakakita ako ng lumang litrato
Di maniwalang Pasig din ang tinitignan ko
Kaibigan ano ang nangyari dito

Chorus 2:
Anak ng Pasig naman kayo
Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang ilog ko

Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di niyo alam ang tinatapon niyo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Bridge:
Huli na ba ang lahat
Patay na ba ang ilog at dagat
Kapag pasig ay pinabayaan
Parang bukas ang tinalikuran


(Repeat Chorus 2)

Anak ng Pasig naman kayo
May bukas pa ang ating mundo

Lyric Video: